Saturday, September 19, 2009

Premature Campaigning...

Opisyal nang pinatitigil ng MalacaƱang ang infomercials ng mga miyembro ng gabinete na may balak tumakbo sa 2010 elections.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo, ito ay bilang pagtalima sa kautusan ng Korte Suprema, na nagsasabing bawal ang mga infomercials dahil ito ay maituturing na rin na isang uri ng “premature campaigning”.

Naglabas ang Korte Suprema ng pahayag kaugnay sa pagpapalawig ng kahulugan ng premature campaigning na maaaring gawing batayan para ipa-disqualify ang isang kandidato.
Sinabi ng korte na kahit hindi pa nakakapaghain ng certificate of candidacy ang isang may balak tumakbo ay maaari na itong lumabag sa batas laban sa premature campaigning.

Sa botong 8-7, ipinagbawal na rin ng Korte Suprema ang mga infomercials ng mga may balak kumandidato ng hindi nito katigan ng interpretasyon ng Commission on Election (Comelec) na hindi maaaring makasuhan ng premature campaigning ang isang pulitiko na hindi pa nagpa-file ng certificate of candidacy dahil hindi pa maituturing umanong isang kandidato.


Giit ng SC, ang pangangampanya ay maaari lamang gawing 90 araw bago ang election sa mga national candidate at 45 araw para sa mga local candidates.

No comments:

Post a Comment